Thursday, May 23, 2024

Alamin natin ang pagkakaiba ng Modified Enhance Community Quarantine,ECQ , GCQ at MGCQ

Alamin natin ang pagkakaiba ng Modified Enhance Community Quarantine,ECQ , GCQ at MGCQ

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa bagong new normal ngayon panahon ng pandemic virus COVID-19 dapat maging alerto tayo sa lahat ng mga tamang impormasyon dahil ito ang magiging gabay natin upang maiwasan ang pagkakaroon ng Corona Virus o tinatawag na COVID-19.

Tayong mga magulang ang dapat mas makaalam ng mga tamang gagawin dahil tayo ang magprotekta sa atin mga anak.

Mayo 16 (SABADO) hanggang 31 (LINGGO) ay iiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila gayundin sa Laguna at Cebu City.

Alinsunod sa mga panuntunang ipinalabas ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases, narito ang ipinagkaiba ng enhanced community quarantine (ECQ) sa MECQ.

Ano nga ba ang pinagkaiba ng ECQ, MECQ, GCQ, at MGCQ ?

 

ECQ (ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE)

  • Hindi pinapayagan ang paglabas ng tao, kahit ano pa ang edad at kondisyon ng kalusugan
  • Limitado ang economic activity maliban sa pagbili ng pagkain, tubig at iba pang utilities at ng critical economic sector
  • Walang transportasyon maliban sa utility services
  • Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan
  • Bawal lumabas ang mga below 21 years old at mga senior citizen 60 years old above, mga buntis at mga taong may mga existing health conditions.
  • Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering.
  • Social Distancing 1 METER APART

MECQ (MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE)

MAYO 16 (SABADO) hanggang 31 (LINGGO) ay iiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila gayundin sa Laguna at Cebu City.

  • Limitado ang galaw ng mga tao sa containment zone para makakuha ng essential services at makapagtrabaho
  • Papayagan na ang operasyon ng manufacturing at processing plants ng hanggang 50 porsiyento ng mga tauhan o empleyado
  • Limitado ang paghahatid ng essential goods at serbisyo
  • Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan
  • Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering.
  • Social Distancing 1 METER APART sa trabaho

GCQ (GENERAL COMMUNITY QUARANTINE)

  • Limitado ang galaw ng mga serbisyo at trabaho sa loob ng GCQ at modified GCQ areas
  • Papayagan ang operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno at mga industriya ng hanggang 75 porsiyento ng workforce
  • Limitadong paghahatid ng serbisyo para masuportahan ang gobyerno at pribadong operasyon
  • Flexible ang learning arrangements, papayagan ang pasok sa eskuwela sa limitadong kapasidad
  • Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering.
  • Social Distancing 1 METER APART

MGCQ (MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE)

  • Mayroon permiso bumalik sa socio- ekonomikal na gawain.
  • Pagbabalik sa normal ng may pagiingat at pagsusuot ng mask ay kailangan.
  • Trabaho at swelahan ay maari ng magpatuloy ngunit kailangan ng Health safety precaution. magsuot ng mask ay kailangan.
  • Pampublikong transportasyon kagaya ng jeep, bus, at pati ang flight ay balik na sa normal.
  • Social Distancing ay pinapatupad pa rin.

 

https://pcoo.gov.ph/
https://pcoo.gov.ph/

 

Sources:
https://pcoo.gov.ph/
https://mypope.com.ph/types-of-community-quarantine/