Tuesday, January 7, 2025

Shopping Experience at UNIWIDE LasPinas

Shopping Experience at UNIWIDE LasPinas

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ngayon ECQ mas nahiligan ko magluto at syempre kasama dyan ang paglagay ng pagkain sa magagandang klaseng plato. Mas naapreciate ko ngayon maliit na bagay kumpara nuon hindi pa nagkakaroon ng pandemya. Nkahiligan ko din ang halaman.

Bukod sa masarap na pagkain, Mas magana kumain ang pamilya kung may presentation din ang pagkain. Dahil mostly lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa bahay kaya mas madaming oras makapagluto sa bahay at bago kainin ang inihandang pagkain ay kailangan mag ”selfie” o kuhaan ng litrato ang pagkain.

 

 

Kaya naman ishare ko sa inyo isa sa murang bilihan ng mga plato, paso, baso at iba pa. Sa halagang 10 piso may mabibili ka na magandang tasa. Ito ay sa UNIWIDE Las Pinas (Alabang–Zapote Road, Talon Uno, Las Pinas, 1744 Metro Manila)

Nagpunta ako nung linggo July 12, 2020 sa UNIWIDE Las Pinas nakita ko ang madaming plato pagpipilian. Sa halagang 1k madami ka na mabibili. Maganda din pumunta dito dahil kaunti lang ang tao. Mas magandang mas maaga pumunta dahil malawak sya ang dami pagpipilian.

Eto ang mga makikita nyo sa UNIWIDE Las Pinas

MGA PLATO (as low as 10 pesos)

 

 

 


MGA BASO, TEASETS, TEA CUPS

MGA PASO

 

figurines

MGA TIPS SA MGA BALAK MAGPUNTA UNIWIDE LAS PINAS

  • Ilista ang mga bibilhin bago pumunta
  • Agahan ang pagpunta (as early as 9am)
  • Magsuot ng dri-fit o cotton na tshirt o kaya comfortable na damit
  • Cash lamang ang tinatanggap sa cashier
  • Magdala ng portable Fan (hindi airconditioned ang lugar)
  • Suguraduhing nakakain na bago pumunta sa uniwide dahil wala po mabibilhan ng pagkain duon
  • magbaon ng tubig
  • Magdala ng malaking Eco-bag
  • Magsuot ng PPE ”personal protective gear” Mask, face shield, closed shoes etc.
  • Magdala ng alcohol

Bukas ang UNIWIDE EVERYDAY 9AM-6PM
(Alabang–Zapote Road, Talon Uno, Las Pinas, 1744 Metro Manila)

Narito pa ang mga makikita ninyo sa loob ng uniwide

May laruan pambata, mga gamit pambahay, pangkusina at iba pa.

 

 

Thanks for reading!

Follow me on

instagram: https://www.instagram.com/stefthemomma

Facebook: https://www.facebook.com/stefthemomma